Malacañang, humingi ng paumanhin sa South Korea kaugnay ng Jee Ick Joo kidnap-slay case

by Radyo La Verdad | January 24, 2017 (Tuesday) | 1243

nel_abella
Humingi ng paumanhin ang Malacañang sa pamahalaan at mamamayan ng South Korea sa sinapit ng negosyanteng si Jee Ick Joo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, titiyakin nilang mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa Korean businessman sa kamay ng mga pulis.

Aminado din ang opisyal na ang pagkakapaslang kay Jee ay bunga ng malubhang suliranin sa korupsyon sa pamahalaan.

Nagparating din ang Pangulong Duterte ng pakikiramay sa naulila nito lalo na asawang si Choi Kyung-Jin.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: ,