Malacañang humingi ng paumanhin sa mga atleta ng SEA Games

by Erika Endraca | November 25, 2019 (Monday) | 9465

METRO MANILA – Humingi na rin ng paumanhin ang Malacañang sa mga atleta ng 30th Southeast Asian (SEA) Games na nakaranas ng inconvenience pagdating sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo mismong ang Pangulo ang nagpaabot ng kanyang paghingi ng paumanhin sa mga aberyang naranasan ng mga atleta.

“We would like to apologize, the office of the president to all those who has suffered some inconvenience by reason of delay in their transport as well as staying in their hotels. It is not intentional; we commit to do better next time. We’re not offering an excuse” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,

Tagumpay ng Pilipinas laban sa Covid-19 pandemic, maaga pa para ideklara – Malakanyang

by Radyo La Verdad | February 7, 2022 (Monday) | 94167

Mag-iisang taon na mula nang pasimulan ang Covid-19 vaccination sa Pilipinas, ngunit marami pa rin sa mga kababayan ang ‘di pa nababakunahan ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kaya kahit na patuloy ang pagbaba ng Covid-19 cases sa bansa, hindi pa rin maaasahan na magdedeklara ang Duterte administration ng tagumpay kontra pandemiya.

“Mga kababayan, bagamat kapansin-pansin na nakakapagpahinga na tayo kahit papaano, maaga pa rin para magdeklara ng lubos na tagumpay kontra Covid-19,” pahayag ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Muli namang iginiit ng Palasyo na mananatili ang implementasyon ng alert level system sa bansa.

Bago naman magdedeklara ng alert level 1 sa anumang bahagi ng Pilipinas, dapat matiyak na mataas na ang vaccination rate sa area na ito lalo na sa A2 o senior citizens at A3 o immunocompromised individuals.

Sisiguraduhin ding pinaiiral pa rin ang minimum public health standards kahit sa pinakamababang alert level system.

Sa ngayon, moderate risk na sa Covid-19 ang Metro Manila at pinasalamatan ng palasyo ang publiko sa pakikiisa sa pamahalaan upang makamit ito.

Dagdag pa ng opisyal, nagpapakita rin itong epektibo ang mga hakbang ng pamahalaan sa ilalim ng re-calibrated response o mas pinaigting na prevent, detect, isolate, treat, reintegrate at vaccine strategy.

Rosalie Coz | UNTV News

Tags: , , ,

Mga opisyal at kawani ng gobyerno, dapat manatili ang political neutrality sa lahat ng oras – Malacañang

by Radyo La Verdad | November 18, 2021 (Thursday) | 92232

METRO MANILA – Muling nagpaalala ang Malacañang sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na umiwas sa pakikilahok sa mga gawain ng mga partido pulitikal ngayong panahon ng eleksyon.

Batay sa inilabas na memorandum ni Executive Secretary Medialdea noong Nobyembre 8, inatasan ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado nito na manatili ang political neutrality o walang kinikilingang partido pulitikal sa pamahalaan sa lahat ng oras.

Sakop rito sa nasabing memorandum ang lahat ng mga opisyal at kawani ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCC), Government Financial Institutions, mga pamantasan at kolehiyong pagmamay-ari ng pamahalaan at ang mga ahensya nito.

Ayon kay Medialdea, nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 at sa Batas Pambansa 881 o the Omnibus Election Code na mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal at mga empleyado ng pamahaalan na lumahok sa anomang gawaing pampulitika.

Sa ilalim ng nasabing kautusan, ang mga opisyal at mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay maaaring mapatawan ng kaukulang disiplina na dadaan sa military due process sa ilalim ng Commonwealth Act 408 or the Articles of War.

Binanggit ni Medialdea na sa ilalim ng RA 6713 o the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na mananatiling mandato sa lahat ng opisyal at kawani nito ang makapagbigay ng kaukulang serbisyo anoman ang partidong kinabibilangan.

Ang nasabing pagbabawal sa pangangampanya sa sinomang kandidato o pakikilahok sa anomang gawaing pulitikal ay naaangkop sa lahat mapa-tradisyonal man o sa makabagong media.

(Daniel Dequina | La Verdad Correspondent)

Tags:

Dry run ng face-to-face classes, target isagawa mula January 11-23, 2021 – Malacañang

by Erika Endraca | December 16, 2020 (Wednesday) | 105844

METRO MANILA – Inilatag ng Malacañang ang timeline para sa dry run ng face-to-face classes sa mga piling paaralan sa mga lugar na itinuturing na Covid-19 low risk areas.

Sa January 11-23, 2021 ipatutupad ang pilot activities na magkatuwang na imomonitor ng DepED at Covid-19 National Task Force.

Bago ito, magsusumite ang Regional Directors kay Education Secretary Leonor Briones ng kanilang nominated schools para sa dry run

December 28 naman pipiliin ng kalihim ang pilot schools. Sa January 4 hanggang 8, 2021, isasagawa ang orientation at kukumpirmahin ang mobilization at pagiging handa ng mga napiling paaralan.

Pagkatapos ng pilot implementation, magsusumite ng ulat ang regional office at magsasagawa ng evaluaton para sa pinal na rekomendasyon ng presidente.

Iginiit ng palasyo na hindi mandatory ang dry run ng physical classes, bagkus ay boluntaryo ang pakikihalok ng mga mag-aaral.

Kailangan din ang permit ng mga magulang sa mga batang nais makalahok dito.

At dapat, aprubado rin ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng face-to-face classes.

“Wala pong pilitan, boluntaryo po ito. Kinakailangan mayroong approval ng mga magulang at bukod dito, dapat papayag din po ang lgu. Kung ayaw ng lgu, hindi po natin ipipilit itong pilot face-to-face.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,

More News