Hindi nababahala ang Malacañang sa posibleng major retrenchment o malawakang tanggalan sa trabaho ng Overseas Filipino Workers o OFW sa Middle East bunsod ng pagbagsak ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sinabi ni Labor Secretary Rozalinda Baldoz na wala pa silang namomonitor na retrenchment sa gitnang silangan.
Nakahanda naman aniya ang naturang ahensya para tulungan ang mga apektadong manggawa na makahanap ng hanapbuhay at pagkakakitaan sa Pilipinas.
Tiwala din aniya ang Labor Department na matatapos ang kontrata ng mga manggagawang kasalukuyang nagtatrabaho sa naturang bansa.
Ito ay sa kabila ng tinatawag na Saudization o hindi pagpapahintilulot sa hindi mamamayan ng saudi na magtrabaho sa kanilang bansa.
Hindi ito makakaapekto sa hanapbuhay ng mga OFW dahil napatunayan na rin naman aniya ang kahusayan ng mga Pilipino.
“DOLE is confident that OFWs will continue to be employed under existing contracts. Even in light of the previously announced policy on “Saudization” there was no apparent effect on the level of employment of OFW’s as they have proved to be highly qualified and competitive.” Pahayag ni Coloma.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Malacañang, malawakang tanggalan, Middle East, trabaho