Malacañang, hindi nababahala sa pangunguna ng mga oposisyon sa latest result SWS Survey

by Radyo La Verdad | December 7, 2015 (Monday) | 1198

LACIERDA
Hindi ikinabahala ng Malacanang ang pangunguna ng mga oposisyon sa latest result ng presidential survey ng Social Weather Stations o SWS.

Base sa Survey na isinagawa noong Nov. 26-28 sa 1,200 respondents, nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 38%.

Sumunod naman sina Senador Grace Poe at Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng parehong 21% habang nasa ikaapat lamang na puwesto si Mar Roxas na standard bearer ng administrasyon.

Panghuli naman si Senador Miriam Santiago na nakakuha lamang ng 4%.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, mayroon pang anim na buwan para iprisinta ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma.

Asahan na aniya ng mga kandidato ang pagtaas at pagbaba sa survey subali’t ang mahalaga pa rin aniya ay ang magiging resulta ng halalan sa susunod na taon.

“The candidates will have 6 months to present their platform to the people. In the meantime, survey numbers will go up or down but the only survey that matters is the one in May.” pahayag ni Lacierda.

(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,