Malacanang, hindi nababahala sa mga kumukuwestiyon sa legalidad ng BBL

by dennis | May 21, 2015 (Thursday) | 1901
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Hindi nababahala ang Malacanang sa naglalabasang isyu kaugnay sa pagkuwestiyon sa legalidad ng Bangsamoro Basic Law o BBL matapos itong maipasa sa committee level ng Kongreso kahapon.

Ito ay matapos na irekomenda ng Senate Committee on Constitutional Amendments na pinangungunahan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat munang amyendahan ang Konstitusyon para mai-accommodate ang BBL.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., ipinauubaya na lamang ng Malacañang sa Kamara at Senado ang pagsasabatas ng naturang panukala.

Sinabi din ni Coloma na kung mayroon mang ibig kumuwestiyon sa legalidad ng BBL ay malaya naman umano ang mga ito na maghain ng petisyon sa Supreme Court.

Dagdag pa ni Coloma na hindi dapat maligaw mula sa talagang objective ng BBL na ang hangarin ay makalikha ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: , , , ,