Malacañang, hindi nababahala sa gagawing pagtestigo ng isang sultan ng Marawi City sa IPT

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 4414

Hindi nababahala ang Malacañang sa nakatakdang pagtestigo ng isang sultan ng Marawi City sa International People’s Tribunal (IPT) sa Brussels, Belgium sa September 18 hanggang 19.

Ang IPT ay isang global court na binubuo ng European Association of Lawyers for Democracy, World Human Rights, IBON International, International Coalition for Human Rights in the Philippines at iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang bisa ang naturang proseso at hindi niya nga kilala kung sino ang tinutukoy na sultan na tetestigo laban sa Duterte administration kaugnay sa umano’y mga kaso ng human rights violations at deklarasyon ng martial law.

Tags: , ,