Malacañang, duda sa umano’y nadiskubre at isisiwalat ni VP Robredo sa anti-drug campaign ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | November 28, 2019 (Thursday) | 20563

MALACAÑANG, Philippines – Duda ang Malacañang sa umano’y mga nadiskubre at isisiwalat ni Vice President Leni Robredo hinggil sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, bakit hindi agarang isiniwalat ito ng Bise Presidente nang siya ay nasa pwesto pa ng pagiging drug czar.

Una nang sinabi ni VP Robredo na isisiwalat niya sa publiko ang mga nadiskubre niya at mga rekomendasyon sa anti-drug war ng pamahalaan matapos itong alisin  sa pwesto ni Pangulong Duterte bilang drug czar.

 “Oh ‘di ba, kung meron kang natuklasang hindi maganda ‘di ba dapat inilalabas mo na eh. Kung gagawa ka pa lang ng ‘di umanong natuklasan mo, it will really take time to craft. Ang tagal-tagal naman masyado,” ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,