Iginiit ni Senator Bongbong Marcos Jr. chairman ng Senate committee on Local Government na itigil na muna ng Malacañang ang pagsasalita ukol sa deadline ng pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ayon sa senador,Hindi siya makakita ng sapat na dahilan kung bakit patuloy na iginigiit ng Malacañang na ipasa ng kongreso ang BBL bago mag-adjourn sa June 11, gayong marami pang problema at butas ang nasisilip sa tuwing dinidinig ng Senado ang naturang panukala.
“The more we study it, the more complicated it turns out. And that is the nature of what we are trying to do and we do not shirk from the responsibility of taking us through the details.” pahayag ni Marcos
Dagdag pa niya, kailangan ng senado ng mas maraming oras upang mapag-aralan ito lalo na ngayon na nadagdag pa ang impormasyon na hindi nakasama ang MNLF sa isinagawang drafting ng BBL.
Ayon pa sa senador, “We need the time to do it properly. So I think it is time to stop talking about deadlines, it is time to stop rushing the legislative process on something complicated, so complex, so noble and so important.”
Sa May 25 nakatakdang makipagusap ang kumite sa mga sultanate at Indigenous People of Mindanao. Gayundin sa mga local executives na malapit sa core territories ng Bangsamoro bago ihanda ng kumite ang report sa BBL.(Meryll Lopez/UNTV Radio)
Tags: Bangsamoro, Bangsamoro Basic Law, Malacañang, Sen. Bongbong Marcos