Malacañang, binuweltahan si Sen. Poe matapos nitong batikusin ang gobyerno

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1360

JERICO_COLOMA
Umalma ang Malacañang sa mga batikos ni Senador Grace Poe matapos nitong sabihin na matrapik daw ang tuwid na daan ni Pangulong Aquino.

Bilang tugon, sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na laging nangangako aniya ang senadora na hihigitan nito ang accomplishment ng kasalukuyang administrasyon subalit wala naman itong ipriniprisintang kongkretong alternative programs.

“Recently however, Senator Poe has been promising to surpass the administration’s accomplishments without offering concrete alternative programs, which our people have the right to expect from presidential candidates such as herself.” pahayag ni Coloma.

Sa limang taon din aniyang lumipas, nakisama ang senadora sa mga priority programs ng gobyerno para sa inclusive growth ng Daang Matuwid na nagresulta aniya ng poverty alleviation, karagdagang hanapbuhay at pagbuti ng revenue collection.

Hindi rin aniya maikakaila ang pagtanggap ng mainit na suporta ng taumbayan sa Administrasyong Aquino dahil noong 2013 aniya ay siyam sa senador na nanalo ay mula sa coalition ng Pangulo kung saan isa dito si Poe na nakakuha ng 20 milyong boto.

“In the 2013 elections, which served as a virtual mid-term referendum on Daang Matuwid, the Aquino administration received an overwhelming vote of confidence from the people with nine senatorial candidates of the administration coalition headed by then erstwhile MTRCB Chairperson Grace Poe in the winning column. ” ani Coloma.

Tags: , , ,