Malacañang, ayaw ng patulan ang mga batikos ni VP Binay

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1413
from UNTVWeb.com
from UNTVWeb.com

Ayaw ng patulan ng Malacañang ang mga batikos ni VP Jejomar Binay laban sa administrasyong Aquino.

Ito ay matapos na sabihin ni Binay na kaya underspending ang gobyerno ay para gastusin umano ng gobyerno sa eleksyon ang pondo ng bayan.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sadyang paninira na lang ang gagawin ni Binay dahil hindi ito ang inendorso ni Pangulong Aquino sa pagkapangulo.

Dati naman aniya nitong pinupuri ang administrasyon ng Pangulo subali’t ngayoy pinupuna na.

Sinagot din ng Malacanang ang puna ni Binay na ilan lang ang bilang ng mga pilipinong gumanda ang buhay at hindi raw umano naramdaman ng mahihirap ang pagangat ng ekonomiya.

Sagot ni Lacierda, ang totoo aniya, isa si Binay na gumanda ang buhay dahil na rin aniya sa hindi maipaliwanag na alegasyon ng korapsyon laban sa kanya.

(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,