Malacañang, ayaw magkomento sa pagtatanggol ni CJ Sereno sa mga foundlings

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1525

JERICO_COLOMA
Ayaw nang magkomento ng Malacañang sa pagtatanggol ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga foundlings sa katatapos na 3rd round ng Oral Arguments sa disqualification case ni Senator Grace Poe kahapon.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr, hindi nararapat sa ehekutibo na magbigay ng komento sa isinasagawang deliberasyon ng Korte Suprema.

Iginagalang anila ang hudikatura bilang hiwalay na sangay ng gobyerno.

Sa oral arguments kahapon, tinalakay ni CJ Sereno ang karapatan ng foundling o mga batang pinabayaan ng magulang na hindi niya nakilala.

Kinuwestyon ni CJ Sereno ang katiwiran ng COMELEC na si Sen.Poe ay hindi natural born citizen dahil isa itong foundling kaya hindi maaaring tumakbo sa pagkapangulo.

Iginiit ni COMELEC Comissioner Arthur Lim na sa ilalim ng Constitution, hindi maaaring mahalal bilang Pangulo ang isang kandidato maliban na kung ito ay natural-born citizen at residente ng Pilipinas nang hindi bababa sa 10 taon.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,