Pinabulaanan ng Malacañan na pinababago ni Pangulong Aquino ang resulta ng Mamasapano report ng Board of Inquiry na pinangunahan ni Criminal Investigation and Detection Group head Director Benjamin Magalong.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang basehan ang nasabing paratang na lumabas sa mga ulat matapos ipatawag ng Pangulo si Magalong sa Palasyo nitong Martes.
Ipinahayag ni Coloma na mismong ang BOI chief ang nagsabi na naging maayos ang pakikipagusap sa kanila ni Pangulong Aquino at hindi sila iniimpluwensyahan ng Pangulo para baguhin ang report.
Matatandaang nakasaad sa BOI report na binali ni Pangulong Aquino ang chain of command sa Oplan Exodus nang direkta itong nakikipagugnayan kay dating SAF Director Getulio Napeñas at kay noo’y suspended PNP Chief Alan Purisima sa halip na dumaan kay PNP OIC Leonardo Espina
Tags: Benjamin Magalong, Board of Inquiry, BOI report, Malacañan, Mamasapano, Sonny Coloma