Mahigit pitunglibong residente, apektado sa kakulangan ng supply ng tubig sa syudad ng Masbate at karatig lugar bayan ng Mobo

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 2037

GERRY_TUBIG
Nagpatupad ng rationing schedule ang MMWD o Masbate Mobo Water District sa syudad ng Masbate at ilang karatig lugar sa bayan ng Mobo.

Tinatayang mahigit pitonglibong resdidente ang apektado ng kakapusan ng water supply sa dalawang lugar sa lalawigan.

Ayon kay MMWD Officer in Charge Roda Viterbo, bumaba ang level ng tubig mula sa banadero river na siyang nagsusupply sa water district.

Sa ngayon nasa 3,500 cubic meter na lang sa isang araw ang kaya nitong i-supply mas kakaunti kumpara sa seven thousand cubic meter dati.

Nagsagawa na rin ng sand bagging ang mga tauhan ng water district upang makaipon ng tubig na isusupply sa mga residente.

Pinagaaralan din ng MMWD na maglagay ng water system sa Baranggay Bagacay river upang may bukod na water source ang MMWD.

Ayon pa sa MMWD, magsisimula ang rationing schedule mula ala-otso ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa mga lugar na sakop ng section 1 habang alas-dos naman ng hapon hanggang alas-otso ng gabi naman sa mga lugar na sakop ng section 2.

Mula 4am hanggang 8am naman bukas ang lahat ng supply ng tubig samantala total shut off ang supply mula 8pm hanggang 12 mn upang makapagipon ang mmwd ng tubig na isusupply sa sususnod na araw.

Ang ilang mga residente bumibili na lang ng walo hanggang sampung container ng tubig na nagkakahalaga ng isandaang piso upang may maipanghugas sa mga pinggan araw-araw.

Pakiusap ng MMWD sa mga residente na magtipid ng tubig, ireport kung may mga leak o tagas ang mga tubo at makipagtulungan sa mga ahensya na nagangalaga ng kalikasan.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,