Mahigit isang libong magsasaka sa Pangasinan, nagtapos sa 4 na buwang pagsasanay ng Agricultural Training Institute

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 2252

FARMERS
Lumabas sa pag-aaral ng Agricultural Training Insitute ng Pangasinan na karaniwang problema ng mga magsasaka sa lalawigan ay ang kakulangan sa teknolohiya at mekanikasyon sa pagtatanim ng mga palay at mais gayundin ang problema pagdating sa financial literacy.

Kaya naman nagsagawa ang ahensya ng programang tutulong sa mga magsasaka hindi lamang kung papaano ang tamang pamamaraan ng pagtatanim kundi kung papaano rin sila maaaring kumita ng mas malaki.

Katuwang ng Agricultural Training Institute ang Department of Agriculture sa pagsasagawa ng pagsasanay sa mga magsasaka na tumagal ng apat na buwan.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, Chairperson ng Committee on Agriculture and Food, mahalagang mabigyan ng dadag kaalaman ang mga magsasaka para sa kanilang ikauunlad lalo na ang maipamulat sa kabataan ang kahalagahan at yamang makukuha mula sa agrikultura.

Hinihikayat din ang mga magsasaka na lumahok sa farm school upang matuto kung papaano kumita ng malaki.

(Joshua Antonio/UNTV NEWS)

Tags: ,