Mahigit isang daan at limampung pulis, inalis sa serbisyo ng NCRPO noong 2017

by Radyo La Verdad | January 11, 2018 (Thursday) | 2957

Tinanggal sa serbisyo ng National Capital Region Police Office noong taong 2017 ang nasa isang daan at limampu’t walong pulis sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, pawang nahaharap sa mabibigat na paglabag ang mga nasabing pulis gaya ng kidnapping, extortion, absent without official leave at iba pa. Nasa hanay ng superintendent ang pinakamataas na ranggo na naalis sa serbisyo.

Nilinaw naman ni Albayalde na walang taga regional office ang kasama sa animnapu’t siyam na mga pulis na ipinatatanggalni Pangulong Duterte ngayong buwan.

 

Tags: , ,