Mahigit 900 paaralan sa Los Angeles nakatakda ng magbukas matapos ipasara dahil sa threat

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1213
School in Los Angeles(REUTERS)
School in Los Angeles(REUTERS)

Bubuksan na bukas oras dito sa Pilipinas ang Los Angeles Unified School District na isinara noong Martes dahil sa bantang pambobomga na inilagay sa e-mail.

Ayon kay L.A. Board of Education President Steve Zimmer ligtas na ang mga paaralan matapos ang isinagawang inspection ng mga otoridad sa may one thousand five hundred sites.

Sa e-mail sinabi na may mga itinanim na bomba sa mga paaralan sa Los Angeles Unified School District at may mga taong konektado sa isis na armado at magsasagawa ng pag-atake.

Ayon kay Los Angeles Mayor Eric Garcetti matapos ang isinagawang imbestigasyon ng FBI at local police sa insidente itinuturing nila na hindi credible ang naturang pagbabanta.

Ayon sa Los Angeles Police District bagamat madalas nang nakakatanggap ng mga hoax threat, kakaiba ang mga ginamit na salita sa ipinadalang e-mail.

Tags: , , , ,