Nagsimula na ngayong araw ang temporary shutdown ng air traffic radar sa Tagaytay na ginagamit ng Ninoy Aquino International Airport sa mga pumapasok na flight sa Maynila.
Dahil dito, nasa mahigit pitong daang flight schedule ang makakansela sa bawat araw, simula ngayong Lunes hanggang sa Linggo dahil sa nasabing maintenance shutdown.
Ayon sa Manila International Airport Authority, maaga pa lamang ay kinausap na nila ang mga airline company upang abisuhan ang kanilang mga pasahero na maapketuhan nito.
Muli namang pinaalalahan ng MIAA ang mga pasahero na agad alamin sa kanilang mga travel agency at airline companies ang pagbabago sa kanilang schedule bago pumunta sa airport, upang maiwasan ang anumang abala.
Paliwanag ng MIAA, ang isinasagawang pagkukumpuni at rehabilitasyon sa tagaytay radar ay makatutulong upang maiwasan ang aberya sa mga eroplano at lalo pang maisayos ang serbisyo ng ating mga paliparan.
Makukumpleto ang maintenance shutdown sa March 11 araw ng Linggo sa ganap na alas sais ng umaga, at pagkatapos nito ay babalik nang muli sa normal ang operasyon ng NAIA.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: Mahigit 700 flights, NAIA, Tagaytay radar, temporary shutdown