Mahigit 600 residente sa Canlubang Laguna, napagserbisyuhan sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | October 30, 2017 (Monday) | 4801

Pananakit ng balakang, tuhod, panlalabo ng mga mata at pang maintenance sa gamot ang karaniwang idinadaing ng mga senior citizen sa Barangay Canlubang, Calamba, Laguna.

Ayon sa kanila, hindi sapat ang natatanggap nila na mga benipisyo mula sa lokal na pamahalaan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangang medikal.

Kaya naman ng malaman nila ang libreng medical mission ng Members Church of God International at partner in public service nito na UNTV sa kanilang lugar ay hindi nila ito pinalampas upang ikonsulta ang kanilang mga karamdaman.

Mahigit anim na raang mga kababayan ang napagserbisyuhan sa iba’t-ibang medical services sa medical mission.

Umaasa naman ang mga residente sa lugar na hindi ito ang huling pagkakataon na mabibigyan sila ng tulong ng MCGI at UNTV.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,