Mahigit 600 residente ng Quezon City, napaglingkuran sa medical mission ng UNTV, MCGI at BH Partylist

by Radyo La Verdad | August 8, 2018 (Wednesday) | 4101

Maaga pa lamang kanina ay nagseserbisyo na ang volunteer doctors ng UNTV at Members Church of God International sa medical mission sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bagong Henerasyon Partylist.

Para kay Arlene Araquiel, residente ng barangay, isang biyaya ang public service na ito.

Nag-aalala siya para sa kanyang anak na mahinang kumain at madalas sumakit ang ngipin. Isa rin sa mga nagpakonsulta si Tatay Angel Madriaga dahil sa kanyang altapresyon.

Sa kabuuan ay mahigit 600 residente ng Brgy. Pag-asa ang napaglingkuran sa libreng medical services at nabigyan ng libreng gamot.

Bukod dito, nagsagawa rin ng free haircut at libreng massage therapy.

Laking pasasalamat naman ni Brgy. Captain Rodolfo Palma sa pagtugon ng UNTV, MCGI at BH Partylist sa kanilang request na medical mission.

Nangako naman si Congresswoman Bernadette Herrera-Dy na patuloy na makikipagtulungan sa UNTV at MCGI sa kapakinabangan ng maraming Pilipino.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , , ,