Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang karaniwang pinagkakakitaan ng mga taga Brgy. Talipan, isa sa mga barangay sa bayan ng Pagbilao sa Quezon Province.
At dahil seasonal lamang ang kita sa ganitong uri ng hanap-buhay, karaniwan sa mga residente ay tinitipid ang kanilang mga kinikita para sa mga pang araw-araw na pangangailangan at minsan, hindi na napagtutuunan ng pansin ang pangangailangang pangkalusugan.
Kaya naman nang magsagawa ng libreng medical and dental mission sa barangay ang UNTV at Members Church of God International ay dinagsa ito ng daan-daang residente maging mula sa mga kalapit brgy.
Sa kabuuan, mahigit limangdaang mga indibidwal ang napagkalooban ng libreng serbiso ng UNTV, MCGI at Partners in Public Service nito.
( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )