Mahigit 400 pulis Calabarzon, tutulong sa seguridad sa SONA ng Pangulo

by Radyo La Verdad | July 13, 2018 (Friday) | 4196

Walang banta ng terorismo na namomonitor ang Philippine National Police (PNP) sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit nais matiyak ng pamunuan ng PNP na magiging maayos ang ikatlong SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa ika-23 ng Hulyo.

Bunsod nito, mahigit apat na raang pulis mula sa Calabarzon Region ang ipapadalang contingent sa araw ng SONA ng Pangulo.

Panawagan naman ng PNP sa mga raliyista na isagawa ang kanilang protesta sa mapayapang pamamaraan at sumunod sa mga itinakdang lugar kung saan pinahihintulutang pumwesto ang mga protesters.

Noong nakaraang taong SONA ni Pangulong Duterte matatandaang pinuntahan at kinausap pa ng Pangulo ang mga raliyista matapos ang kaniyang SONA.

Hindi tiyak ng PNP kung muli itong uulitin ng Pangulo, ngunit pinaghahandaan naman umano nila ang posibilidad nito.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,