Apat na raang volunteers sa probinsya ng Iloilo ang nangakong tutulong sa adbokasiya ng Philippine National Police na magkaroon ng ligtas at mapayapang komunidad.
Kaninang umaga nanumpa ang mga volunteer na maging katuwang ng pulisya sa operasyon ng Lambat Sibat na layuning masugpo ang krimen at iligal na droga sa kani-kanilang bayan.
Ayon sa PNP, ang mga volunteer ay dumaan sa background investigation upang mapatunayang wala silang criminal record.
Malaking tulong ang kooperasyon ng komunidad sa operasyon ng pulisya dahil epektibong informant at intelligence source ang mga residente dahil alam nila kung sino-sino ang kanilang mga kapitbahay at kung may mga dayo sa kanilang lugar.
Paalala naman ng PNP sa mga volunteer na huwag abusuhin ang kanilang tungkulin dahil maaari silang maharap sa reklamo.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: Iloilo, kampanya kontra droga at krimen, Mahigit 400 Oplan Lambat Sibat volunteer