Mahigit 400 inmates sa Sta. Rosa City Jail, napaglingkuran sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | November 8, 2018 (Thursday) | 11560

Bukod sa mga barangay at mga bayan na dinadayo ng Members Church of God International (MCGI), Kamanggagawa Foundation Incorporated (KFI) at UNTV upang maghatid ng libreng medical mission, regular ding pinupuntahan ng grupo ang mga bilangguan sa bansa upang maghatid ng serbisyong medikal.

Tulad na lamang sa Bureau of Jail Management and Penolgy (BJMP) sa Sta. Rosa, Laguna kung saan mahigit apat na raang persons deprived of liberties (PDL) ang napagserbisyuhan ng grupo.

Kabilang sa mga ito sila Nilo at Miko na idinadaing ang pananakit ng kanilang mga likod dahil sa ilang linggo ng walang tigil na  pag-ubo. Binigyan sila ng mga gamot at bitamina matapos silang masuri ng doktor.

Ayon kay Jail Chief Inspector Erwin Breis, bukod sa ubo, karaniwan ding sakit ng mga PDL ay sakit sa balat bunsod ng labis na siksikan sa mga selda.

Mayroon ding mga nagpabunot ng ngipin at nabigyan ng ibang medical services tulad ng ultra sound, ECG at random blood sugar.

Sinamantala din ng mga inmates na komunsulta sa abogado na kasama ng grupo.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,