Mahigit 300 pulis, tinanggal sa serbisyo ni PNP chief Dela Rosa dahil sa sari-saring paglabag

by Radyo La Verdad | March 1, 2018 (Thursday) | 15738

Sa tala ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP, umabot na sa398 pulis ang natanggal sa serbisyo mula ng maupo sa pwesto si PNP chief Police Director General Ronald Dela Rosa.

Sa nasabing bilang, 270 dito ang mula sa National Capital Region Police (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief PDir. Oscar Albayalde, bukod sa nasabing bilang marami pa ang kailangang kalusin sa Manila Police District (MPD).

Sa 398  na inalis sa serbisyo, 151 ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, habang 16 ang sangkot sa illegal drug activities, 91 ang absent without official leave (AWOL), habang ang iba ay nasangkot sa iba’t ibang kaso.

Mahigit isang 1,000 pulis naman ang na-demote, na-suspend, na-reprimand at na-forfeit ang sweldo.

Dagdag pa ni Albayalde, nagsasagawa sila ng surprise inspection upang mahuli ang mga tiwali at tamad na pulis.

Ayon naman kay PNP chief Dela Rosa, hindi madali para sa kaniya ang magtanggal ng isang pulis sa serbisyo pero kailangan itong gawin para sa ikabubuti ng organisasyon.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspodent )

Tags: , ,