Mahigit 300 bilanggo sa Trece Martires City Jail, napaglingkuran ng UNTV at MCGI sa isinagawang medical mission sa kanilang lugar

by Radyo La Verdad | June 18, 2018 (Monday) | 5543

Pumasok na ang panahon ng tag-ulan, maraming mga sakit na naman ang posibleng makuha ng mga persons deprived of liberty (PDL) o mga presong nasa Trece Martires City Jail, lalo na sa kanilang siksikang kalagayan sa piitan.

Ngunit hanggang ngayon ay iniinda pa rin ng ilang mga nakakulong sa lugar ang mga sakit na nakuha ng mga ito nitong summer tulad ng mga sakit sa balat.

Halos nasa apat na raang PDL ang nakadetine sa nasabing bilangguan para lang sana sa mahigit isang daan preso.

Isa rin sa mga tinitiis ng mga bilanggo ay yung hindi sila nadadalaw ng kanilang kaanak gaya ni Marlon.

Kaya naman sila ang napiling handugan ng libreng medical mission ng UNTV at Members Church of God International (MCGI).

Bukod sa medical at eye check-up, mayroon ding libreng bunot ng ngipin, legal consultation at laboratory tests.

Sa kabuoan ay umabot sa 365 na mga PDL’s ang napaglingkuran sa isinagawang medical mission ng grupo.

 

( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,