Mahigit 300 bilanggo sa San Mateo Municipal Jail sa Rizal, napaglingkuran sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | August 18, 2017 (Friday) | 3414

Iba’t-ibang sakit sa balat, ubo, high blood pressure, diabetes. Ilan lamang ito sa mga pangkaraniwang sakit na dinaramdam ng mga persons deprived of liberty o mga preso na nasa San Mateo Municipal Jail sa lalawigan ng Rizal.

Pahirap ito sa kanila lalo na at hindi madaling makapagpagamot sa labas kinakailangan pa ng pahintulot ng korte para mailabas sila ng piitan. Kaya sinamantala ng mga ito ang medical mission na isinagawa ng UNTV at Church of God International sa loob ng kulungan.

Umabot sa mahigit tatlongdaan ang napaglingkuran sa iba’t-ibang medical at dental services. Mayroon ding idinulog ang kanilang problemang legal sa mga abogado na palaging kasama ng MCGI at UNTV sa mga ganitong aktibidad.

Ang San Mateo Municipal Jail ay mayroong four hundred twenty-nine na inmates sa kasalukuyan.

 

(Jennica Cruz / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,