Mahigit 300 bilanggo, napaglingkuran sa medical mission ng UNTV at MCGI sa San Mateo Rizal Municipal Jail

by Radyo La Verdad | June 12, 2019 (Wednesday) | 108804

RIZAL, Philippines – Napagbigyan sa ikatlong pagkakataon ang hiling ng isang warden na si Jail Inspector Joey Doguilles na magkaroon ng medical mission ang UNTV at Members Church of God International sa San Mateo Municipal Jail. Ito ay upang mabigyang lunas ang mga sakit na karaniwang iniinda ng mga nakapiit dito gaya ng ubo sipon, hypertension at mga sakit sa balat.

Ayon kay Jail Inspector Joey Doguilles, “I was so amazed na Ang Dating Daan, UNTV napakasipag ninyong lahat. Sa lahat siguro ng mga service provider, wala akong masasabi.”

Isa sa mga natulungan ay si Kuya Atom at Roland na nagpapasalamat dahil kahit wala ng dumadalaw sa iba nilang kasama, may nakakaalala pa rin sa kanilang sitwasyon sa piitan kahit hindi nila kamag anak.

 “Malaking tulong po ito sa mga katulad naming PDL o Persons deprived of liberty. Karamihan po rito kasi walang dalaw, kaya itong ibinibigay ng mga service provider katulad ng Dating Daan. Sila na po yung gumagawa ng paraan para makatulong sa katulad naming kapos palad dito.” Ani Kuya Atom.

 “Ano po, lahat po sila tuwang-tuwa, dahil po magkakaroon sila ng pagkakataon na maipakonsulta po yung kung ano man po yung nararamdaman nila.” Ayon naman kay kuya Ronald, isa sa mga Persons deprived of liberty. 

Umabot sa mahigit tatlong-daan ang napaglingkuran sa iba’t ibang medical, dental services, optical services na may kasamang libreng salamin at mga laboratory tests gaya ng ECG at ultrasound.

 “Maraming salamat po, unang-una sa Ang Dating Daan Foundation, at sa UNTV. Binigyan tayo ng pagkakataon na magkakaroon sila ng medical mission sa ating kulungan. Dito sa BJMP San Mateo Municipal Jail. Ito ay hindi lang una, kundi taon-taon po na nagka-conduct sila ng medical mission dito po sa kulungan na ito.” dagdag ni  J/Insp. Joey Doguilles, Warden, San Mateo Jail.

(Jennica Cruz | UNTV News)

Tags: , , ,