Mahigit 14,000 OFW, inaasahang mabebenipisyuhan ng pinalawak na assistance fund para sa mga OFW

by Radyo La Verdad | December 19, 2017 (Tuesday) | 2117

Mas mapapabilis na ang pagtugon sa mga pangangailangan, pagbibigay ng ayuda at serbisyo para sa mga distresssed overseas filipino workers, ito’y matapos lagdaan ng Department of Foreign Affairs ang revised guidelines sa paggamit ng Assistance to Nationals Fund o ATN at Legal Assistance Fund para sa mga OFW.

Ang ATN fund ay para sa welfare assistance, repatriation ng distressed, may sakit o pumanaw na OFW at lahat ng mga serbisyong nakapaloob dito.

Ang LAF fund naman ay para sa mga OFW na nangangailangan ng tulong na legal na hindi kayang ibigay ng pamahalaan ng bansang pinagtatrabahuan nila.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, bahagi ito ng ipinangakong pagbabago ng Pangulong Duterte tulad ng pagtataas sa isang bilyong piso sa pondo nito mula sa dating 400 million pesos.

Ayon kay Usec. Arriola ng Office of the Undersecretary of Migrant Workers’ Affairs o OUMWA, mas mahigit pa sa labing apat na libong distressed OFWs ang matutulungan nito kumpara sa naabot ng pondo nito noong 2016 na mahigit sa labing isang libo lamang.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,