Mahigit 1,000 OFW sa Al Khobar, pauuwiin ng DOLE matapos mawalan ng trabaho

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 5231

Mahigit isang libo at apatnaraang overseas Filipino workers (OFWs) sa Al Khobar, Saudi Arabia ang nawalan ng trabaho matapos mag lock-out ang kanilang employer na Azmeel Contracting Corporation.

Nagtungo na sa Al Khobar si Labor Secretary Silvestre Bello III, Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac at ilang opisyal ng DSWD, DFA at DOH para tumulong sa pagpapauwi sa naturang mga OFW.

Batay sa ulat na natanggap ng OWWA, pinabayaan na ng Azmeel Contracting ang kanilang mga empleyado sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan matapos iutos ng pamahalaan ng Saudi na hindi nila maaaring galawin ang kanilang ari-arian.

Bago mangyari ang lockout, hindi na rin binayaran ng employer ang apat na buwang suweldo ng mga manggagawa, na siyang naging dahilan para mag-protesta ang mga ito.

Una nang nagpadala ng limampung libong dolyar na tulong-pinansiyal ang pamahalaan sa mga apektadong OFW.

 

 

Tags: , ,