Mahigit 1000 Bulakenyo at Caviteño, napaglingkuran sa isinagawang medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | August 30, 2018 (Thursday) | 3402

Tatlong taon na mula ng huling makapagpatingin sa doktor ang mag-asawang senior citizen na sila Aling Rita at Mang Rick Villanueva.

Dahil sa hirap anila ng buhay ay tinitiis na lamang nila ang kanilang mga karamdaman.

Ngunit dahil sa isinagawang medical mission ng UNTV at Members Church of God International (MCGI) sa Brgy. Jose sa bayan ng Bulakan, Bulacan noong Byernes, nagkaroon ng pagkakataon ang mga ito na makakonsulta ng libre sa mga volunteer doctor at makahingi ng libreng gamot.

Bukod sa dental at medical check-up, mayroon ding handog na libreng eye check at laboratory services tulad ng ECG, ultrasound at random blood sugar testing ang grupo. Nagkaroon din ng legal consulatation, libreng gupit at massage therapy.

Sa kabuuan, umabot sa limang daan at tatlumpu’t tatlo ang nagpaglingkuran sa isigawang medical mission sa Barangay Jose.

Samantala, bukod sa Bulacan ay isang medical mission din ang isinagawa ng UNTV at MCGI sa bayan ng Mendez sa Cavite noong nakaraang linggo.

Umabot sa 596 ang napaglingkuran ng grupo sa iba’t-ibang serbisyo na kanilang hatid sa lugar.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Tags: , ,