Mahigit 100 ang sugatan sa pananalasa ng typhoon ‘Nesat’ sa Taiwan

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 3187


Malaking pinsala sa mga ari-arian ang idinulot ng bagyong Nesat sa Taiwan ng magland-fall ito noong sabado ng gabi sa Northeast coast ng Isla. Umabot sa 111 ang sugatang naitala ng Taiwan Central Emergency Operation Center.

Matinding pagbaha ang naidulot nito sa maraming siyudad partikular na sa Pintung City. Sa 12,000 naitalang inilikas ay may 4,000 libo pang nananatili sa mga evacuation center.

Bagamat naantala ang transportasyon sa buong Taiwan hanggang kahapon ng tanghali ay balik na sa normal serbisyo nito ngayon. 77 porsiyento naman ng mahigit 500,000 libong bahay ang nawalan ng kuryente ang naibalik na.

Umabot naman sa 145 international flights ang nakansela at ilan sa ating mga kababayang papunta sa Taiwan ang naapektuhan nito.

Samantala, isang panibagong bagyo na may international name na Haitang ang naglandfall sa Southern Taiwan kagabi.

Ayon sa huling tala ng Taiwan Central Weather Bureau binabagtas ni Haitang ang direksyong Northeast ng Taiwan sa bilis na 23 kph. Inaasahang bago matapos ang araw na ito ay lalabas na ito ng bansa.

Sa ngayon ay wala pang naiuulat na kababayan nating nasaktan pero patuloy tayong makikipag-ugnayan sa Manila Economic and Cultural Office dito sa Taiwan.

(Amiel Pascual / UNTV Correspondent)

Tags: , ,