Mag-asawang suspek sa investment scam, ipinarada sa Tanauan

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 4564

Dumipensa si Tanuan, Batangas Mayor Antonio Halili sa mga pumupuna sa kanyang paraan ng pagbibigay babala sa kanyang nasasakupan tungkol sa umano’y mga kriminal at mga mapagsamantala.

Ito ay matapos na hindi nakaligtas ang mag-asawang suspek sa investment scam sa galit ng alkalde. Pinaglakad nito sina Eric at Arian dalisay sa palibot ng palengke ng Tanauan noong Martes dala ang karatula na may nakasulat na “kaming mag-asawa ay manloloko o scammer

Ayon sa alkalde, nasa dalawandaang milyong piso ang nakuha ng mag-asawa sa mga biktima ng mga ito na lumapit sa kanyang opisina. Ang modus operandi ng mga ito, kakausap ng tao na mag-iinvest umano ng malaking halaga na tutubo ng 5 porsyento sa loob ng isang linggo.

Nasa tatlumpu aniya ang naloko ng mag-asawa kasama na ang tiyahin at pinsan ng mga ito. Una nang nakilala si Mayor Halili dahil sa pagpapalakad sa mga nahuhuling drug pusher at user sa paligid ng syudad.

 

(Vincent Octavio / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,