Patuloy ang pagsadsad ng halaga ng piso kontra US Dollars, kahapon nagsara ito sa 51.960
Subalit, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang mahinang piso kontra dolyar ay hindi nangangahulugan ng mahinang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng opisyal, marami rin ang nakikinabang dito lalo na ang remittance ng Overseas Filipino Workers at kita ng mga exporter. Subalit, hindi maikakailang kalugihan naman ito ng mga importer.
Ngunit hindi naman dapat aniyang maging cause of concern o ipag-alala kung patuloy ang pagsadsad ng halaga ng piso kontra dolyar.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: DBM, ekonomiya, piso vs dolyar