Maawain, determinado at isang abugado, mga katangiang nais ni Pres. Duterte sa hahalili sa kaniya                       

by Radyo La Verdad | March 14, 2022 (Monday) | 2428

Wala pa ring binabanggit si Pangulong Rodrigo Duterte na partikular na presidential candidate na kaniyang ieendorso at susuportahan. Ito ay kahit may nalalabi na lamang na kulang dalawang buwan bago ang May 9, 2022 general elections.

Subalit inihayag naman ni Presidente Duterte ang mga katangian ng isang kandidatong dapat iboto ng publiko at nais nitong humalili sa kaniya sa pwesto.

Ayon sa Punong Ehekutibo, dapat compassionate, maawain o mahabagin ang isang presidente at dapat mapagmahal sa tao.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, dapat ding determinado.

Kaya isa sa magandang katangian aniya ng susunod na magiging Pangulo ng bansa ang pagiging isang abugado.

Pangatlo, mahusay dapat aniyang kumilatis ng tao.

Samantala, sa sampung tumatakbong kandidato sa pagka-presidente sa bansa para sa darating na halalan, tanging sina Vice President Leni Robredo at Jose Montemayor lamang ang mga abugado.

Rosalie Coz | UNTV News

Tags: