Hindi na muna kailangan ang maagang pagpapatupad ng gun ban sa bansa ayon sa Malacanang.
Ito ang reaksiyon ng Malacanang matapos ang pahayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na dapat umanong ipatupad ang gun ban simula pa lang sa paghahain ng Certificates of Candidacy o COC ng mga tatakbo sa 2016 National Elections.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr., makatitiyak naman ang publiko na puspusan ang ginagawang paghahanda ng PNP para mapigil ang karahasan lalo na sa panahon ng eleksiyon.
Mababatid naman aniyang malaki ang ibinaba ng election related violence sa bansa noong 2013 elections dahil sa mahigpit na pagpapatupad nito ng pambansang pulisya.
Malaki rin aniya ang naitulong ng programa ng PNP noong nakaraang halalan na “Oplan Katok” kung saan pinuntahan mismo ng mga pulis ang bahay ng mga gun owners para tingnan kung ang mga armas nito ay nakarehistro.
Samantala, ang nationwide gun ban ay magsisimula sa January 10 hanggang June 8 2016.
Tags: gun ban, Malacañang