Rules sa gun ban para 2023 BSKE, inilabas na ng Comelec

by Radyo La Verdad | May 22, 2023 (Monday) | 2538

METRO MANILA – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang rules o mga panuntunan hinggil sa ipatutupad ng gun ban simula sa August 28 hanggang November 29, 2023.

Kaugnay ito sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa Comelec Resolution Number 10918, magsisimula ang aplikasyon para magkaroon ng exemption ng gun ban sa June 5, 2023 para mabigyan Certificate of Authority.

Nakasaad din dito ang mga personalidad o opisyal ng pamahalaan na otomatiko nang exempted sa gun ban tulad ng pangulo, bise presidente, mga mahistrado ng Korte Suprema, cabinet secretaries at iba pa.

Ang paglabag sa gun ban ay maituturing na election offense at maaaring makulong ng 6 na taon na walang probation.

Posible rin na na tuluyan nang mawalan ng karapatan na bumuto at humawak ng anomang posisyon sa pamahalaan.

Tags: ,

Ilang barangay officials, nakakatanggap umano ng banta sa buhay habang papalapit ang BSKE

by Radyo La Verdad | May 30, 2023 (Tuesday) | 2456

METRO MANILA – Limang buwan bago ang Barangay at Sangguniaang Kabataan Election (BSKE), mayroon nang natatanggap na report ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ilang barangay officials na nakatatanggap ng banta sa buhay.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ito ang isa sailalim nila sa threat  assessment upang mabigyan ng kaukulang aksyon gaya ng pagdaragdag ng seguridad sa mga barangay kung saan may banta ang mga opisyal dito.

Maaari din naman humiling ng exemption sa Comelec gun ban ang mga ito biglang dagdag proteksyon.

Bagamat hindi pa matukoy ng PNP kung ilan nang barangay officials na nakatatanggap ng banta ay handa aniya ang pulisya na bigyan ng seguridad nag mga ito kung kinakailangan.

Bukod sa mga ulat na ito, wala pa naman natatanggap na  banta sa seguridad ang PNP kaugay sa nalalapit na BSKE sa Oktubre.

Subalit, nagbabala din ang pamunuan ng pambansang pulisya sa mga kandidato na magbibigay ng permit to campaign sa New Peoples Army (NPA).

Ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election ay sa August 28 – September 2.

Habang ang election period naman ay magsisimula sa August 28 – November 29.

Dagdag ng PNP sa naturang mga petsa iiral na din ang gun ban.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: , ,

Mandatory drug test para sa mga kandidato, hindi maaaring ipag-utos – COMELEC

by Radyo La Verdad | May 29, 2023 (Monday) | 1291

METRO MANILA – Hindi maaaring ipag utos ng Commission On Elections (COMELEC) ang mandatory drug test para sa mga magsusumite ng Certificate Of Candidacy (COC) lalo na’t papalapit na ang isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, ilegal na pilitin ang mga kandidato na sumailalim sa naturang pagsusuri.

Dagdag ni Spokesperson Laudiangco na sinubukan na rin itong ipatupad ng komisyon noong 2007 sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Gayunman, naglabas ng ruling ang Supreme Court na hindi maaaring magdagdag ng requirements ang Comelec labas sa itinatakda ng konstitusyon.

Ayon sa batas, maaaring tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno ang mga Filipino citizen na nasa wastong edad, may sapat na bilang ng taong naninirahan sa bansa, marunong bumasa at sumulat. At hindi convicted sa anomang kaso.

Gayunman, maaari namang boluntaryong magsumite ng negative drug results ang mga kandidato.

Tags: ,

Petsa ng paghahain ng COC para sa BSKE, inilipat sa August 28 – Sept. 2

by Radyo La Verdad | March 23, 2023 (Thursday) | 9921

METRO MANILA – Inurong ng Commission on Elections (COMELEC) ang petsa ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Mula July 3 – July 7, itinakda ng Comelec sa August 28 – September 2 ang paghahain ng kandidatura para sa mga tatakbo sa BSKE.

Kasunod ito ng kahilingan ng Senado dahil kapos na sa panahon para sa preparasyon ang Local Government Units (LGU).

Ayon sa Comelec, makatutulong din ito sa kanila para resolbahin muna ang election-related cases. Ang BSKE ay idadaos sa October 31.

Tags: , ,

More News