Ma. Kristina Sergio at live-in partner nito, may nauna nang drug record sa NBI at PDEA

by dennis | May 6, 2015 (Wednesday) | 2840
Ang maglive-in partner na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao (mga nagtatakip ng mukha) na sangkot sa pagrecruit kay Mary Jane Veloso
Ang maglive-in partner na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao (mga nagtatakip ng mukha) na sangkot sa pagrecruit kay Mary Jane Veloso

May record na sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-live in partner na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao bilang mga drug mule bago nasangkot sa illegal recruitment sa Nueva Ecija.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na lumabas sa pagpupulong ng DOJ Special Task Force on Veloso case sa PDEA at PNP na 2011 pa lamang ay sinimulan na nilang i-monitor ang bilang mga drug mule na labas pasok ng bansa.

Pero ayon pa kay De Lima, inaalam pa kung anong drug syndicate nagtatrabaho ang dalawa noong bago pa sila sumabak sa pang-rerecruit ng mga kababayan nila sa nabanggit na lalawigan.

Dahil sa inter-agency meeting kanina, lumalakas ngayon ang kaso ng DOJ laban kina Sergio at Lacanilao.

Dumalo din sa pagpupulong si PNP OIC Chief Leonardo Espina na nagsabing mahigpit silang makikipag-ugnayan sa DOJ para masawata ang mga drug syndicate na namnbibiktima ng mga Pinoy na ginagawang drug courier.

Samantala, nanumpa na kay Assistant state prosecutor Mark Estepa ang sampu pang ibang biktima ng illegal recruitment na magdidiin sa mag-live in partner sa mga kasong large scale illegal recruitment.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , , , ,