LPG, tataas ang presyo simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 1, 2018 (Monday) | 2674

Nagpatupad ng price increase ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) ngayong araw.

Epektibo kaninang hatinggabi, tumaas ng 2 piso at 35 sentimos ang presyo ng kada kilo ng Petron Gasul o katumbas ng halos 26 pesos per eleven kilogram na tangke.

Samantala, one peso and thirty centavos naman ang dagdag singil nito sa Auto LPG.

Ala sais naman ng umaga tataas ng 2 piso at 11 sentimos ang kada kilo ng Solane o mahigit 22 piso sa bawat eleven kilogram na tangke, habang 2 piso at 30 sentimos naman ang madaragdag sa kada kilo ng EC Gas ng Eastern Petroleum.

Bukod sa LPG, inaasahang tataas din ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtaya ng oil industry players, one peso and 30-centavos hanggang one peso and 40-centavos ang itataas sa kada litro ng gasoline, habang ninety centavos naman hanggang one peso and ten centavos ang price increase sa diesel.

Tags: , ,