Malakas pa rin ang epekto ng habagat lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, ito’y dahil sa isang low pressure area (LPA) na nasa West Philippine Sea (WPS).
Inaasahan papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng 24 na oras at may posibilidad din na maging isang bagyo.
Asahan na ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Cavite, Batangas, Bataan at Zambales.
Posibleng magudlot ng mga pagbaha at landslides ang mga pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.
Maaari ding magpabaha sa mga mabababang lugar ang pag-ulan sa Mimaropa, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ng Central Luzon at ng Calabarzon. May mga biglaang pag-ulan din sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Mapanganib pa ring pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa hilaga at kanlurang baybayin ng Luzon o mula sa Bataan, Pangasinan, Zambales, Ilocos at La Union, mga isla ng Batanes, Isabela at Cagayan.
Tags: LPA, PAR, Southern China