Bagyong Tomas, isa na lamang LPA

by Radyo La Verdad | November 27, 2018 (Tuesday) | 18420

Humina na ang Bagyong Tomas at ngayon ay isa na lamang itong low pressure area (LPA).

Namataan ito ng PAGASA sa layong 1,060km sa silangan ng Basco, Batanes.

Wala pa rin itong direktang epekto sa bansa at posibleng malusaw na rin ito sa mga susunod na oras dahil sa malamig na temperatura.

Samantala, nakakaapekto naman ang amihan sa Northern at Central Luzon kung saan mararanasan ang mahinang mga pag-ulan.

Good weather naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Tags: , ,