Malaki ang tiyansa na maging bagyo ang isang LPA na nasa Philippine Area of Responsibility.
Namataan ito ng PAGASA sa layong anim naraan at limampung kilometro silangan ng Borongan City.
Papangalanan itong Karen sa oras na maging bagyo at posibleng tumama sa Luzon sa weekend.
Sa ngayon ay apektado ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ and Palawan, Visayas at Mindanao.
Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang MIMAROPA, Bicol, Aurora, Quezon, Visayas at Mindanao.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Tags: LPA, maging bagyo sa loob ng 24-36 hrs., PAR