LPA sa labas ng PAR posibleng maging bagyo, papangalanang Paeng

by Radyo La Verdad | September 20, 2018 (Thursday) | 2576

Posibleng maging bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, namataan ang LPA kaninang alas quatro ng madaling araw sa layong 2345 kilometers silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ito ng PAR bukas ng gabi o Sabado ng umaga at papangalanang Paeng.

Sa ngayon ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nakakaapekto sa Metro Manila, Central Luzon Calabarzon , Mimaropa at Central Visayas .

Ang buong Mindanao ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Magiging maalinsangan naman ang nalalabing bahagi ng bansa maliban lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

 

Tags: , ,