Lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea (WPS).
Subalit isang panibagong low pressure area naman ang pumasok sa PAR na nasa layong 1,295km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa at maliit pa ang posibilidad na ito’y maging isang bagyo.
Samantala, makararanas naman ng bahagyang maulan hanggang sa maulap na papawirin ang malaking bahagi ng bansa. Posible ring makaranas ng malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng mga pagbaha at landslides.