Listahan ng mga kasama sa war on drugs, dadaan muna sa validation –NCRPO Chief Albayalde

by Radyo La Verdad | January 17, 2018 (Wednesday) | 3408

Hinihintay pa ng National Capital Region Police Office ang guidelines na manggagaling sa PNP headquarters kaugnay sa pagpapatupad ng oplan tokhang.

Sinabi ni NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde sa programang Get it Straight with Daniel Razon, tututok sila sa mga nasa drug watch list. Subalit bubusisiin muna aniya nila ang mga pesonalidad na kasama dito bago ihanay sa mga bibisitahin.

Iginiit ng opisyal na walang namatay sa oplan tokhang kung di sa mga lehitimong operasyon ng PNP. Masama lamang aniya ang naging konotasyon sa oplan tokhang.

Mula aniya nang ibalik sa PNP ang war on drugs ng pamahalaan ay halos 30 libo na ang kanilang naaaresto.

Subalit sa ngayon aniya ay hindi pa kayang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga sumuko upang matapos ang rehabilitasyon sa mga ito.

Samantala, nasa 155 mga pulis naman sa NCRPO ang nag-awol o absent without leave at ang ilan dito ang kabilang sa 360 pulis na mga isinasangkot sa droga na ipinadala sa Mindanao.

Ang iba aniya sa mga ito ay napapakinabangang na sa pag-iimbestiga sa Marawi.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,