5 mayor na umano’y drug lord o protector ng illegal drugs, handang pangalanan ni Sen. Lacson kay Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 1696

BRYAN_LACSON
Nasa limang alkalde ang batid ni Senator Panfilo Lacson na sangkot sa illegal drug trade.

Ayon kay Lacson, mismong mga dating subordinate niya sa Philippine National Police ang nagsabi nito.

Sinabi ni Lacson kung wala pa ang mga pangalan ng mga mayor sa listahan ng Pangulong Duterte ay handa niya itong ibigay.

Gayunman, tumanggi ang senador na pangalanan ang mga ito.

Ayon kay Lacson, reklamo ng ilang opisyal ng pnp na dumulog sa kanya ang mga mayor na ito na nagiging sagabal sa kanilang mga operasyon laban sa illegal drugs.

Samantala, ipinahayag rin ni Senator Lacson na may ilan siyang kilalang alkalde na sangkot sa illegal drugs na gusto ng sumuko sa mga otoridad.

Sinabi ni Senador Lacson na bago magbukas ng sesyon ang 17th Congress ay magkakaroon ng caucus ang mga senador, tatalakayin nila ang resolusyon ni senador leila de lima na imbestigahan ang mga napapatay na drug personalities sa operasyon ng pnp kontra iligal na droga at mga extra judicial killings.

Samantala kanina naghain ng resolusyon si Senador Juan Miguel Zubirri upang himukin ang mga government employee na sumailalim sa random drug testing na nakasaad sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Mismong siya ay nagpadrug test na kanina at hinimok rin ang kanyang kapwa senador na sumailalim rin sa naturang drug testing.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,