Lifetime validity ng Birth, Marriage at Death Certificate, isa nang batas

by Radyo La Verdad | August 3, 2022 (Wednesday) | 4465

METRO MANILA – Isa nang ganap na batas ang panukalang ‘lifetime validity’ ng birth, marriage at death certificates.

Layon nito na gawing permanente ang bisa ng mga certificate na inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA) basta’t nababasa at malinaw pa ito.

Nagpasalamat ang may akda ng panukalang batas na si Senator Bong Revilla Jr. at sinabing malaking kabawasan ito sa gastos ng mga Pilipino.

Una nang sinabi ng psa na walang expiration ang inilalabas nilang birth certificates, subalit may ilang ahensya ng gobyerno umano na humihingi ng bagong kopya ng dokumento pagkaraan ng 6 na buwan at sa tuwing nagpapalit ang PSA ng kulay sa security paper na ginagamit sa paggawa ng mga certificate.

Subalit sa ilalim ng bagong batas, pwedeng makulong ng hanggang 6 na buwan at pagbayarin ng hanggang P10,000 danyos ang mga lalabag dito.

Hindi na rin papayagan na maluklok sa pwesto sa gobyerno ang mga napatunayang hindi sumusunod sa bagong batas.

Tags: ,