Lifestyle check kay Iloilo City Mayor Mabilog, iniutos ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | August 31, 2017 (Thursday) | 2338

 

Nakarating na ang impormasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibig siyang makausap ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog. Isa ito sa mga una niyang pinangalanang drug protector at kabilang sa kaniyang narco list. Gayunman, walang binanggit ang Pangulo kung pauunlakan niya ito o hindi.

Ngunit ayon sa Pangulo, iniatas na niya na magsagawa ng lifestyle check kontra sa alkalde. Dagdag pa ng punong ehekutibo, mala-palasyo ang bahay ni Mayor Mabilog kaya pinaimbestigahan na rin niya ito sa National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng pangunahan nito ang oath-taking ceremony ng mga tauhan ng pulisyang naitalaga at batay naman sa pahayag ng kampo ni Mabilog, dati nang naging isyu ang bahay nito.

Naimbestigahan na rin ng Office of the Ombudsman nang irekomendang ireklamo ito dahil sa unexplained wealth. Gayunamn, nadismiss din umano ang kaso.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,