Libu-libong aplikante, dumagsa sa isinagawang job fair ng DOLE kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day

by Radyo La Verdad | May 2, 2018 (Wednesday) | 5726

Halos dalawampung libong aplikante ang pumila at nakipagsiksiksan sa Quezon City Hall kaugnay ng binuksang Labor Day job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon.

Sa kabuuan, mahigit isang daan at apat na pung libong local at overseas jobs ang maaring aplayan sa mga isinagawang job fair sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Kabilang sa mga prayoridad na binigyan ng trabaho ng DOLE ay ang mga repatriates mula sa Kuwait at mga balik-manggagawa.

Samantala, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), noong ika- 23 hanggang ika-27 ng Marso ngayong taon, tumaas ng 23.9% o tinatayang aabot sa 10.9 milyong mga Pilipino ang walang trabaho sa bansa.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 15.7% unemployment rate sa bansa noong Disyembre 2017.

Tatlong factor ang nakaapekto sa unemployment rate sa Pilipinas; pangunahin ay ang mga nag-resign o umalis sa kanilang trabaho at may mga nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng ekonomiya.

At dahil may porsyento sa bilang ng mga walang trabaho ang first-time job seekers, kaya naman target ng DOLE sa Labor Day jobs and business fair ngayong taon na mapataas ang bilang ng mga hired on the spot.

Kahapon, umabot ng mahigit apat na libo ang agad na natanggap sa trabaho sa isinagawang job fair.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,