Libreng sakay at tulong sa transport sector, palalawigin ng Marcos Administration

by Radyo La Verdad | July 6, 2022 (Wednesday) | 4466

METRO MANILA – Inabot ng 4 na oras ang unang cabinet meeting ni President Ferdinand Bongbong Marcos Junior.

Kung saan nag-briefing ang economic team ukol sa estado ng ekonomiya ng bansa.

Plano ni Pangulong Marcos na palawigin ang tulong na fuel subsidy sa transport sector at pagpapatuloy ng libreng sakay. Sa gitna na rin ito ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon pa kay Pangulong Marcos Junior, ipinirisinta ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte ang planong pagbabalik ng 100% face-to-face classes sa darating na Nobyembre.

Dagdag ng pangulo, kailangang matalakay muna ang ibang isyu tulad ng COVID-19 vaccination bago ang planong face-to-face classes sa lahat ng elementary at high schools.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,