Libreng internet sa Piddig, Ilocos Norte, nakatakdang pasinayaan sa darating na Hunyo 29

by Erika Endraca | June 18, 2021 (Friday) | 3089

METRO MANILA – Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Piddig, Ilocos Norte para sa pagsasapubliko ng libreng internet sa Hunyo 29, 2021.

Layon ng proyektong ito na mabigyan ng access sa internet ang mga primary at secondary school sa buong bayan sa loob ng tatlong taon. Makikinabang din sa naturang inisyatiba ang mga residenteng nagbabalak na pasukin ang industriya ng e-commerce.

Ayon kay Mayor Eddie Guillen, naglaan ng P16-milyong budget ang gobyerno mula sa 20% na development fund ng munisipyo para sa nasabing proyekto.

“Instead of giving PHP100 load allowance to our students weekly, why don’t we just install a dedicated internet line to benefit all our constituents?” dagdag pa ng alkalde.

Isa ang Piddig sa mga bayang kaisa ng Kagawaran ng Edukasyon na matulungan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng libreng load at school supplies at unlimited printing ngayong panahon ng pandemya.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,